^

Probinsiya

99-anyos lolo todas sa sunog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Patay ang isang 99-anyos na lolo nang hindi makalabas sa nasusunog niyang kuwarto sa Zone-3, Brgy. Santiago ng lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ang nasawing si Pedro Agravante Velasco, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, ala-1:50 ng madaling araw nagising at nagulat ang caretaker ng bahay na si Vilma Manaog Isaac nang nakitang nag-aapoy na ang kuwarto ng matanda.

Mabilis itong kumuha ng balde ng tubig at sinabuyan ang apoy at tumambad na wala nang buhay ang biktima na sunog ang ilang bahagi ng katawan.

Ayon kay Isaac hindi pa malaman kung papano nasunog ang kuwarto ng biktima pero naikuwento nito sa mga nag-iimbestiga na noong Enero ay nagtangkang magpakamatay ang matanda sa pamamagitan ng pagbigti pero napigilan ito.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with