2 rebeldeng NPA dedo sa engkuwentro
TALAKAG, Bukidnon, Philippines — Dalawang kasapi ng New Peoples Army-Communist Terrorist Group (CTG) ang napatay matapos na makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Sitio Kimutya, Brgy. San Rafael, ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Vercisio San Jose Jr, Commanding Officer ng 1st Special Forces Battalion sa ilalim ng 403rd Brigade ng 4th Infantry Division, alas-9:35 ng umaga ay nagsasagawa ng security operations ang mga militar nang makasagupa ang mga rebelde.
Ang bakbakan ay tumagal ng halos apat na oras laban sa 70 mga armadong rebelde mula sa Guerilla Front 68B at Sub-Regional Sentro De Grabidad (SRSDG) WEI ng Sub-Regional Committee (SRC) 4 and SRSDG CRACKERS of SRC5 sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee of the New People’s Army.
Nasamsam din ng tropa ang limang high-powered firearms na kinabibilangan ng apat na M16 riles, isang AK47 rifle, landmines at iba pang mga war materials.
- Latest