^

Probinsiya

Shabu Queen timbog sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte, Philippines — Kalaboso ang binansagang shabu queen ng lalawigang ito matapos na maaresto sa ginawang buy-bust operation ng mga pulis sa Purok-4,Brgy.Plaridel ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Maria Teresa Perez Solo, 49-anyos,residente ng nasabing lugar at itinuturing ng mga pulis na high value individual.

Sa ulat,alas-10:50 ng umaga ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit,Provincial Intelligence Unit,Provincial Mobile Force Company at Jose Panganiban Police.

Hindi na nakatakas ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba makaraang i-abot nito ang biniling isang malaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P99,500 sa poseur buyer.

Nang kapkapan ay nakuhanan pa siya ng lima pang malalaking sachet na may lamang shabu na tumitimbang ng 61.5 gramo at nagkakahalaga ng P288,000.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with