^

Probinsiya

‘Tulak’, todas, 8 tiklo sa buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
�Tulak�, todas, 8 tiklo sa buy-bust
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police Director ang napatay na suspek na si Ryan Termulo.
STAR/File

MARILAO, Bulacan, Philippines — Todas ang isang tulak habang walong iba pa ang naaresto sa magkahiwalay na drug buy-bust ­operation sa lalawigang ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police Director ang napatay na suspek na si Ryan Termulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-11:48 ng gabi ng makaengkwentro ng mga pulis ang suspek matapos na magsagawa ng drug buy-bust ang mga oto­ridad sa Brgy.Prenza 2.

Sa halip na sumuko ay pinutukan umano ni Termulo ang mga pulis kung kaya napilitang gumanti ang mga ito at napatay ang suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang Cal .38 revolver, anim na plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala,walong iba pang mga drug pusher ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na operas­yon na kinilalang sina Lauro Luntaga ng Brgy. Poblacion Sta. Maria; Ian Cruz ng Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria; Ge­rome Gatus ng Brgy. Poblacion, San Miguel; Arie Fermin ng Brgu. Paliwas, Obando; Ethel Calma ng Brgy. Duhat, Bocaue; Romeo Saddi ng Brgy. Poblacion, Marilao; Marvin Constantino ng Brgy. Sta. Ines, Plaridel; at Frederick Fajardo ng Caloocan City.

Nabawi sa mga suspek ang 31 plastic sachet ng shabu, dalawang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at buy-bust money.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with