^

Probinsiya

‘Tulak’ tiklo sa mahigit P420K shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija , Philippines — Arestado ang isang lalaki na notoryus umanong tulak ng droga makaraang mahulihan ng higit sa P420K na shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Maligaya ng lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na natanggap ni Police Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, kinilala ang naarestong suspek na si Victor Fulgencio, 33, may-asawa ng nasabing lugar.

Ayon kay PD Santos, apat na araw na minanmanan ang suspek ng sanib-puwersa ng pulisya ng Muñoz City at Talavera sa pamumuno nina Lt. Col. Jaime Quiocho, hepe ng pulisya rito, at Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera Police.

Kaya nang matunugan ng pulisya na nasa barangay niya ang suspek ay agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang Talavera at Muñoz City PNP, bandang alas-4:00 ng hapon ng Biyernes.

Matapos na mabilhan ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ang suspek ay agad itong inaresto ng pulisya.

Kinapkapan ang suspek at nakarekober sa kanya ng mga drug paraphernalias,P1,000 bill na marked money.at ang 7 pang plastic sachet na  may timbang na 62 gramo na aabot sa halagang P420,600.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with