^

Probinsiya

Mag-utol na paslit natupok sa sunog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na paslit natupok sa sunog
Halos hindi na ma­kilala ang magkapatid na edad 4 at 7 nang makasama silang tupukin ng apoy na kung saan nadamay din ang 10-kabahayan sa nasabing barangay.
STAR/ File

TANDAG CITY Surigao del Sur , Philippines — Patay sa sunog ang magkapatid na paslit makaraang masunog ang kanilang bahay sa Brgy.Bongtud ng lalawigang ito,kamakalawa.

Halos hindi na ma­kilala ang magkapatid na edad 4 at 7 nang makasama silang tupukin ng apoy na kung saan nadamay din ang 10-kabahayan sa nasabing barangay.

Ayon kay SFO1 Fire Dennis Trias, ng Tan­dag City-BFP, madaling-araw ng Miyerkules, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Agustin Ramirez.

Lumabas sa pagsisiyasat, mahimbing na natutulog ang apat na bata sa loob ng kanilang bahay nang magsimula ang sunog.

Kuwento ng 12-anyos na bata na isa sa mga kapatid ng namatay nagising na lamang siya matapos makaamoy ng usok at nakaramdam ng init.

Dito, nakita na niyang lumiliyab ang kanilang bahay kaya dali-dali siyang buma­ngon at binuhat palabas ng bahay ang isa pa niyang kapatid.

Tinangka pa niyang balikan ang dalawang kapatid,subalit lumakas na ang apoy at nasunog ang isa niyang kamay kaya hindi na siya nakapasok pa para sana tulungan ang mga kapatid na makalabas.

Nabatid, na ang ama ng mga bata ay nagtungo sa dagat para mangisda habang ang kanilang ina ay pumunta sa tindahan.

Naapula lamang ng mga pamatay-sunog ang apoy bandang 8:30 ng umaga at dito nakita ang sunog na bangkay ng magkapatid.

Tinataya namang nasa P1.5-M ang ha­laga ng mga ari-ariang ­tinupok ng apoy.

Inaalam na ng mga otoridad ang tunay na sanhi ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with