^

Probinsiya

Tserman, 4 pa tiklo sa illegal quarrying

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ta­uhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang barangay chairman at apat pang lalaki na ilegal umanong naghaha­kot ng mga bato at mi­neral sa Balanac River sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga suspek na sina Brgy. Balanac Chairman Dennis Olipano, Michael Abad, Randy Delos Reyes, Da­nilo Noriel at Abner Davac.

Ayon sa NBI, may nakarating na sumbong sa kanila ukol sa illegal quarrying sa Brgy. Balanac, Magdalena kaya agad na tiniktikan ng mga tauhan ng NBI-Environmental Crime Division (EnCD) ang lugar at nakumpirma ang ilegal na operasyon nang si Ba­lanac Brgy. Chairman Olipano pa mismo ang nakipagtransaksyon para magbenta ng apat na trak ng bato at mineral sa halagang P17,000 kada trak.

Marso 11 nang magkasa ang NBI-EnCD ka­­sama ang mga tauhan ng DENR-Environmental­ Protection and En­force­­­ment Task Force (EPETF), DENR-Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Philippine Army 1st Infantry Battalion.

Dakong alas-2 ng hapon nang arestuhin ang chairman at apat na kasama nang maabutan­ ng NBI agents na nagha­hakot sila ng bato at mi­neral sa ilog nang walang maipakitang permit.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang apat na trak at 30 cubic meters ng mga bato at “fabricated screens” na may halagang P43,000.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with