^

Probinsiya

2 ice cream vendor utas sa ambush

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CATAINGAN, Masbate, Philippines — Kapwa bulagta ang dalawang ice cream vendor matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng highway ng Brgy. Cagbatang, Ca­taingan ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima na kinilalang sina Jhone Conchas Andaya, may asawa ng Brgy. Usab, at Jaymark Cioco Amador, may asawa ng Brgy. Nursery; pawang sa Masbate City.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon, kapwa nagmamaneho ng kanilang tricycle ang dalawang biktima at magkasunod nilang binabagtas ang highway mula sa Brgy. Lihong patungong Brgy. Poblacion para magtinda ng ice cream nang pagdating sa nasabing lugar ay hinarang sila ng mga armadong lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril.

Nakuha sa lugar ang walong basyo ng M16 armalite rifle at 9 na basyo ng bala ng kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with