^

Probinsiya

Pulilan-Baliwag Diversion Road project, natapos na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Pulilan-Baliwag Diversion Road project, natapos na
Sa ginanap na final inspection ni Sec. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi niya na ang ikalawang linya sa magkabilang west at eastbound ay para sa mga bisikleta at motorsiklo. Karugtong ito ng nakalatag nang bike at motorcycle lane na nasa Pulilan section.
Boy Santos, file

Nominado sa ‘MINO Best Project Award’

BALIWAG, Bulacan, Philippines — Nominado ang Pulilan-Baliwag Diversion Road project bilang official entry ng Pilipinas sa “MINO Best Project Award” para sa Community Road Category of the Road Engineering Association of Asia and Australia o REAAA.

Ito ang masayang ibinalita ni Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara makaraang pormal nang natapos ang konstruks­yon ng Baliwag section ng Pulilan-Baliwag Diversion Road na mula sa dating salubungan ay apat na linya na ngayon.

Sa ginanap na final inspection ni Sec. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi niya na ang ikalawang linya sa magkabilang west at eastbound ay para sa mga bisikleta at motorsiklo. Karugtong ito ng nakalatag nang bike at motorcycle lane na nasa Pulilan section.

Nasa 10 kilometro ang haba ng Pulilan-Baliwag Diversion Road mula sa tabi ng Pulilan Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) hanggang sa Daang Maharlika sa bahagi ng Tarcan sa Baliwag.

May kabuuang P922 milyon ang ginugol dito ng DPWH mula sa mga pambansang badyet ng 2015 hanggang 2019.

Base sa tala ng DPWH-Central Luzon, sinabi ni Regional Director Roseller Tolentino, mula nang ­unang mabuksan ang Pulilan section ng Diversion Road at ang dating dalawang linyang salubungang Baliwag section noong 2019, umaabot sa mahigit 3,000 sasakyan ang dumaraan dito araw-araw. Nagsisilbi itong alternatibong daan para sa mga sasakyang galing sa NLEX papunta sa Baliwag at gawing hilagang-silangan ng Bulacan gaya ng Bustos, San Rafael, San Ildefonso at San Miguel nang hindi kailangang lumakbay nang mahaba sa Pulilan-Calumpit Road at sa Daang Maharlika.

Dahil dito, ang dating biyahe na 30-40 minuto mula sa NLEX-Pulilan ay 10 minuto na lamang. Kaugnay naman ng kaligtasan sa pagbibiyahe rito, pawang reflectorize ang thermos-plastic na pinturang ginamit sa mga guhit at road markings. Nilagyan din ng mga ma­lilinaw na solar lights ang bawat intersection na tinatawiran ng Pulilan-Baliwag Diversion Road.

vuukle comment

AWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with