^

Probinsiya

Laklakan sa barangay hall nauwi sa saksakan, 1 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines —  Kritikal ang isang 32-anyos na pahinante ng trak matapos pagsasaksakin ng kanyang kainumang kabaro sa kasagsagan ng kanilang inuman ng alak sa loob ng Barangay Hall ng Cullit, Camalaniugan sa Cagayan kahapon ng madaling-araw.

Pinagpapaliwanag ngayon ng awtoridad ang mga barangay officials kung bakit nagdaos ng inuman ang grupo ng biktimang si Ernesto Bernardo, 32-anyos, na isang dayo mula Cauayan City, Isabela at suspek na si Bryan Vincent Baldoviso, 26, na taga karatig bayan ng Aparri.

Naganap ang inuman sa pinagpipitagang tanggapan sa gitna ng umiiral na restriksiyon dulot na umiiral na pandemya at ipinatutupad na curfew hours.

Ayon sa report, nagsimulang magwala si Bernardo nang makatumba na ang kanilang grupo ng ilang boteng alak na ikinairita ni Baldoviso kaya inundayan nito ng maraming saksak ang una dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

Isinugod ng mga kainuman si Bernardo sa ospital habang nadakip sa follow-up operation ng pulisya si Baldoviso tangan ang 15 pulgadang kutsilyong pinangsaksak kay Bernardo.

vuukle comment

BIKTIMA

HALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with