^

Probinsiya

Van salpok sa truck: 4 patay, 5 kritikal

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van salpok sa truck: 4 patay, 5 kritikal
Kinilala ang mga nasawi na sina Raul Bermas Bea, 46, driver ng nasabing van na taga-Brgy. San Francisco, Malilipot; mga pasaherong sina Mark Vincent Bellen, 34, ng Marbella St., Brgy.4 Poblacion, Bacacay, Cesar Beronio, 60 at John Dave Broselas, ng Brgy. San Lorenzo,Tabaco City; pawang sa Albay.
STAR/ File

SIPOCOT, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan at namatay noon din ang apat na katao habang limang pasahero pa ang nasa maselang kalagayan matapos bumangga ang sinasakyan nilang van sa nakaparadang hauler truck sa tabi ng Maharlika Highway sa Brgy. Tara ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Raul Bermas Bea, 46, driver ng nasabing van na taga-Brgy. San Francisco, Malilipot; mga pasaherong sina Mark Vincent Bellen, 34, ng Marbella St., Brgy.4 Poblacion, Bacacay, Cesar Beronio, 60 at John Dave Broselas, ng Brgy. San Lorenzo,Tabaco City; pawang sa Albay.

Malubha namang nasugatan sa insidente sina Analiza Broselas, 49, ng Brgy.San Lorenzo, Tabaco City; Joan Bayaban, 29, ng Legazpi City; Glenda Mendoza, 54, ng bayan ng Daraga, Albay; Efraim Beronio Ceriola, 27, ng Brgy.4, Garchitorena, Camarines Sur at Marites Abante, 39, ng Catanduanes.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw mula Metro Manila, mabilis na binabagtas patungong Legazpi City ang kahabaan ng highway ng Toyota Hi-Ace Van (EAB-2233) na minamaneho ni Bea. Gayunman, pagdating sa nasabing lugar, nawalan ng kontrol sa manibela ang naturang driver kaya napunta sa shoulder ng kalsada ang van at malakas na sumalpok sa nakaparadang motorcycle hauler truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak nang husto ang van at agad nasawi ang apat na sakay nito kabilang ang driver habang agad isinugod sa Sipocot District Hospital ng mga rumespondeng rescue team ang limang pasahero pero agad silang inilipat sa Bicol Medical Center sa Naga City dahil sa maselan nilang kalagayan.

vuukle comment

BIKTIMA

TRUCK

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with