2 Black Hawk helicopter ng PAF naghatid ng bakuna sa Batanes
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Mahigit 250 vials ng bakunang Sinovac laban sa COVID-19 ang naihatid sa islang lalawigan ng Batanes lulan ng dalawang US-made Black Hawk helicopters ng Philippine Air Force (PAF) noong Lunes.
Ayon kay Batanes Police Director Colonel Ismael Atluna, ang kargamento mula sa Department of Health sa Manila ay inilapag sa Basco Airport dakong alas-12:44 ng tanghali.
Ang mga bakuna ay tinanggap ni Provincial Health Officer Roel Nicolas.
Nabatid na ang kabuuang 277 vials ay ibabahagi sa Batanes General Hospital (150), Itbayat District Hospital (49) at 78 vials para sa mga medical frontliners na nakatalaga sa iba’t ibang quarantine facilities sa probinsya.
Ang mga bakuna ay inilagak sa sisidlan ng Provincial Health Office habang hinihintay ang opisyal na araw ng pag umpisa ng vaccine roll out.
- Latest