^

Probinsiya

4 ospital sa Lucena City gagawing vaccination sites

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Pumayag ang mga namamahala sa apat na pribadong hospital sa lungsod na ito na kinabibilangan ng Lucena United Doctors Hospital and Medical Center, Mt. Carmel Diocesan and General Hospital, MMG Hospital at St. Anne Ge­neral Hospital sa kahili­ngan ni Mayor Roderick Dondon Alcala na maging vaccination centers sakali at maging available na ang bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay bunsod na rin ng inilalatag na vaccination plan ng lungsod sa pamamagitan ng local Inter-Agency Task Force (IATF).

Naglaan ang pamahalaang lokal ng P350-million budget para ipambili ng bakuna na ipagkakaloob naman ng libre sa may 60-70 porsyento ng mahigit sa 200,000 na mamamayan dito.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pang mabuti kung Sinovac o AstraZeneca ang aangkatin ng lokal na pamahalaan dahil ito pa lamang sa kasalukuyan ang available na bakuna na pumapasok sa bansa.

 Nagpasalamat naman sa mga residente ang city mayor at hepe ng pulisya dito na si P/Lt. Col. Romulo Albacea dahil sa patuloy na pakikiisa ng health sector upang labanan ang virus.

Sa pamamagitan ng nilikhang Barangay Task Force Against COVID ay nalilimitahan ang mga residenteng magpagala-gala sa kabila na ang lungsod ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 Mula sa 1,576 na naitalang kaso ng CO­VID-19, walo na lamang ang aktibo kahapon.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with