^

Probinsiya

Rider lasog, angkas sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 52-anyos na rider habang sugatan ang kanyang asawang angkas at isa pang rider ng motorsiklo matapos na magbanggaan sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Purok-6, Brgy.Anislag ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City pero idinekla­rang dead-on-arrival ang biktimang si Ponciano Millena Astillero habang sugatan ang asawang angkas na si Nieves, 50-anyos, residente ng Purok-2, Brgy. Mayon at ang kabanggaang si Willy Quiam Recoña, 29-anyos, residente ng Purok-2, Brgy.Maopi.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi magkasalubong na binabagtas ng motorsiklo ni Astillero at Recoña ang highway nang subukang mag-overtake ng huli sa sinusundang tricycle.

Gayunman, hindi nakita ni Recoña ang kasalubong na motorsiklo ng mag-asawang Astillero kaya malakas na nagbanggaan ito.Duguang isinugod ng mga rumesponde an tatlo sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang biktima.

vuukle comment

MOTORCYCLE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with