^

Probinsiya

Pagturok ng Sinovac vaccine sinimulan na sa Olongapo

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Pagturok ng Sinovac vaccine sinimulan na sa Olongapo
Si James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) chief of hospital Dr. Jewel Manuel (gitna) ang kauna-unahang recipient ng Sinovac vaccine matapos na turukan na sinaksihan ni Olongapo City Mayor Lenj Paulino (kaliwa) at dating Mayor Rolen Paulino Sr. (kanan).
Photo courtesy: Ex-Mayor Paulino Sr.

OLONGAPO CITY, Philippines — Umarangkada na rin ang pagbibigay ng first dose ng Sinovac vaccine para sa mga medical workers ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Si JLGMH Chief of Hospital Dr. Jewel Manuel ang kauna-unahang recipient ng Sinovac vaccine, pumangalawa si Councilor Dr. Lugie Lipumano Garcia na sinundan ng mga hospital officials.

Wala namang insidenteng naitala sa pagpapatuloy ng vaccination program kung saan ay inaasahan na nasa 100 medical wor­kers ang nakalinya na bibigyan ng first dose ng bakuna kahapon.

Ang naturang vaccines ay mula sa 538 doses na natanggap ng lungsod mula sa national government na dumating kamakalawa ng hapon.

Samantala, ngayong Lunes ay sisimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ang pagbibigay ng bakuna sa kanilang mga medical workers sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC). Ang natanggap na 417 doses ng Sinovac vaccines kahapon ng umaga ay bahagi lamang umano ng kabuuang 2,680 na bakunang nakalaan para sa buong lalawigan mula sa national goverment.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with