^

Probinsiya

Cagayan Valley arangkada sa pagbabakuna vs COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Matagumpay na isinagawa sa Cagayan Valley Medical Center ng lungsod na ito ang unang bugso ng pagbabakuna ng mga health workers laban sa CO­VID-19 kahapon.

Ang matipunong pinuno ng CVMC na si Dr. Glenn Mathew Baggao ang kauna-unahang tinurukan sa Region 2 ng bakunang gawa ng Sinovac Biotech ng China.

Ang CVMC ang may pinakamalaking hanay ng mga medical workers na nakalista sa pagbabakuna na hindi bababa sa 2,400 katao.

Ang naturang pagamutan ang pangunahing COVID-19 hospital sa Region 2 kung saan tinatanggap din nito ang mga COVID-19 patients sa karatig rehiyon ng Cordillera.

Nakatakda namang isagawa ngayong Lunes ang pagbabakuna sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City at Region 2 Trauma and Medical Center sa Bayombong, Nueva Viscaya. Tig-1,000 health personnel ang inaasahang magpapaturok mula sa dalawang nabanggit na ospital.

Nabatid na ang ikalawang dosage ng vaccine ay ituturok makalipas ang 28 na araw.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with