^

Probinsiya

Ex-PSG na tagahanga ni ‘Manoy’ inutas ng tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Ex-PSG na tagahanga ni �Manoy� inutas ng tandem
Sa report na nakara­ting kay Major Ferdinand Datul, hepe ng Tauo Police Station, binabagtas ng biktimang si Nestor Daracan, 62, ang highway nang sabayan siya ng dalawang naka-jacket at nakasuot ng face mask na berdugo saka siya pinagbabaril dakong alas-12:00 ng tanghali.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Patay ang isang retiradong pulis na dating miyembro ng Presidential Security Group (PSG) at tagahanga ng nasirang actor na si Eddie Garcia habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Barancuag, Tuao, Cagayan noong Sabado.

Sa report na nakara­ting kay Major Ferdinand Datul, hepe ng Tauo Police Station, binabagtas ng biktimang si Nestor Daracan, 62, ang highway nang sabayan siya ng dalawang naka-jacket at nakasuot ng face mask na berdugo saka siya pinagbabaril dakong alas-12:00 ng tanghali.

Dumausdos sa kalsada ang motorsiklo ng biktima habang mabilis na tumakas ang mga killer na nag-iwan ng tatlong basyo ng bala ng kalibre 45. Sinikap isugod ng mga sumaklolo si Daracan sa Tuao District Hospital kung saan siya idineklarang patay.

Nabatid na miyembro ng binuwag na Philippine Constabulary si Daracan nang magsilbi ito sa PSG hanggang sa nagretirong sarhento ng pulisya nitong dekada 2000.

Kilala si Daracan sa Tuao bilang mang-aawit sa burol ng mga patay at noong 2019, naging viral sa social media ang pagluwas ni Daracan sa Maynila dala ang kanyang gitara upang handugan ng awit pamamaa­lam ang lamay ng abo ng pumanaw na aktor na si Eddie Garcia na kanyang idolo.

Inaalam ng mga imbestigador ang motibo ng pagpatay kay Daracan.

vuukle comment

PATAY

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with