^

Probinsiya

Informal settlers sa Nueva Ecija bibigyan ng trabaho

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

Kasunduan ng DENR, DTI at LGU nilagdaan

CABIAO, Nueva Ecija, Philippines — Nilagdaan na ang isang kasunduan sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Trade and Industry (DTI) at pamahalaang lokal ng Cabiao na naglalayong pagkalooban ng trabahong pangkabuhayan ang mga informal settlers na binigyan ng libreng pabahay sa tatlong barangay sa bayang ito.

Ayon kay Community Environment and Natural Resources Officer-Cabanatuan City (CENRO), Jimmy Aberin, ang programa ay isa lamang sa mga pangunahing proyekto na patuloy na inilulunsad sa ilalim ng Manila Bay Project Livelihood Support Program na naglalayong bigyan ng marangal na trabaho ang mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng mga pagsasanay kung saan isa sa mga ito ang pagpapatubo at pagpaparami ng mga kabute (cultured-mushroom production).

Dagdag pa ni Cenro Aberin, hihikayatin ang mga kababaihan sa mga mapipiling barangay na sumailalim sa mga pagsasanay para sa produksyon ng mushroom chips kung saan aagapay naman ang pamahalaang lokal ng Cabiao at DTI sa pamamagitan ng Negosyo Center para sa merkado ng mga produkto.

Sa katatapos na pagsasanay kamakalawa, sinabi ni Mariqueen Andrea Arcia, ecosystem management specialist (EMS), na nilahukan ng 20 kababaihan mula sa mga barangay mula sa Sta. Rita. San Antonio at Entablado ang sumailalim sa pagsasanay para sa mushroom production.

Isinasaad pa sa kasunduan na ang LGU ng Cabiao ang ma­ngangasiwa sa imbentaryo at pabahay para sa mga informal settlers at mga pamilyang naninirahan sa mga daluyan ng tubig sa tatlong barangay na nabanggit.

Ang DTI naman ang titiyak na ang produksyon at pagproseso ng kabute ay potensyal na magi­ging pangkabuhayan sa bayang ito.

Samantala, trabaho ng DENR na matiyak na magiging tuluy-tuloy ang implementasyon ng proyekto para sa mga informal settlers.

vuukle comment

DENR

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with