^

Probinsiya

Investors sa Subic na lalabag sa health protocols, sususpindihin

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Posibleng maharap sa pansamantalang pagpapasara, suspensyon o kanselasyon ng Certificate of Registration (CR) ng kanilang negosyo ang mga investors sa Subic Freeport kapag nahuli ang mga ito na bigong ipinaiiral ang health protocols ng pamahalaan sa kanilang mga empleyado.

Sa ipinalabas ng Su­bic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Resolution No. 20-10-1800 ng Board of Directors, nakasaad na sa unang paglabag ay dalawang linggong suspensyon ang ipapataw sa mga kumpanyang mahuhuling lumabag sa health protocol.

Pangalawang paglabag ay mahaharap sa suspensyon ng anim na buwan ang CR at ikatlo ay kanselasyon na ng kanilang CR upang hindi na tuluyang makapag negosyo.

Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Atty. Wilma Eisma, ang naturang hakbang ay upang labanan ang pagkalat ng COVID-19 partikular sa workplace ng mga empleyado sa freeport.

Ipinatutupad ang health protocol sa workplace sa pamamagitan ng pagkuha ng body temperature ng mga empleyado pagpasok sa trabaho, pagsusuot ng face mask at face shield at pag-iral ng social distan­cing.

vuukle comment

SUBIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with