^

Probinsiya

Tserman na ‘supporter’ ng NPA, itinumba

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 49-anyos na barangay chairman na taga-suporta umano ng New Peoples Army (NPA) matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tapaz, Capiz kahapon ng umaga sa Calinog, Iloilo.

Kinilala ni Calinog Police chief Capt. Genesis Roque ang biktima na si Julie Catamin, chairman ng Barangay Roosevelt sa Tapaz.

Lumilitaw na papauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo dakong alas-8:45 ng umaga nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang una pagsapit sa Brgy. Malitbog na may 300 metro lang ang layo sa Brgy. Calinog.

Nagtamo si Catamin ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’ t ibang bahagi ng katawan.

Nauna rito, nabatid na nakatanggap ng death threats ang biktima mula sa hindi kilalang grupo. Pinatawag pa umano si Catamin sa 61st Infantry Battalion sa Brgy.Libot, Calinog, Iloilo at binalaan ng militar na posibleng maulit ang madugong insidente sa kanyang lugar kung hindi siya titigil at mga ka-barangay nito sa pagsuporta sa mga rebelde.

Noong Disyembre 30, matatandaan na sa Brgy. Roosevelt, Tapaz nangyari ang madugong raid nang isilbi ang isang search warrant ng Criminal Investigation and Detection Group na ikinasawi ng 9 na katao na pinaniniwalaang kasapi ng mga rebeldeng grupo.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with