^

Probinsiya

Red tide alert itinaas ng BFAR sa 13 lugar

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa ilang lugar sa may 13 lalawigan matapos na magpositibo ang mga nakolektang shellfish doon sa red tide o paralytic shellfish poison na lampas sa regulatory limit, at ang coastal waters na nakitaan naman ng presensya ng toxins.

Ayon sa BFAR, kasama sa mga naturang lugar ay ang Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; coastal waters sa Daram Island, Zumarraga, San Pedro, at Cambatutay Bays sa Western Samar; coastal waters sa Calubian, Leyte, Carigara Bay, Ormoc Bay at Cancato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters ng Biliran Islands, coastal waters ng Guiuan at Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) at coastal waters ng Ozamiz City, Misamis Occidental; at Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog, sa Camiguin.

Batay sa bulletin na inilabas ng BFAR sa social media, lahat ng uri ng shellfish at maging alamang (Acetes sp.) na makukuha sa mga naturang lugar ay hindi ligtas kainin.

Samantala, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at mga alimango ngunit kinakailangang sariwa ang mga ito at nahugasang mabuti. Dapat ding tinanggalan ang mga ito ng internal organs, gaya ng hasang at bituka, bago lutuin at kainin.

Ang laboratory ­examinations sa mga naturang katubigan ay isinagawa ng BFAR at mga local government units (LGUs). — Angie dela Cruz

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with