^

Probinsiya

Amok na senglot todas sa parak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang binata matapos na mag-amok sa sobrang kalasingan at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis ka­makalawa ng hapon sa Sitio Ipit, Barangay Kilait ng bayang ito.

Kinilala ang napaslang na si Ruel Fidelino, 46,  at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay nakipag-inuman si Fidelino sa tricycle driver na si  Jonathan Amparo, 24, ng Barangay Tagbakin. Nang malasing, kinuha ng suspek buhat sa kanyang beywang ang nakasukbit na isang kalibre 38 saka walang habas na nagpaputok.

Sa takot ni Amparo, mabilis siyang tumakbo at nakasalubong ang mga pulis na nakarinig sa putukan.

Sinubukang pakalmahin at pasukuin ng mga pulis ang suspek subalit maging sila ay pinaputukan kung kaya nang gantihan ay doon na napuruhan ng bala.  Dinala pa ang nag-amok  sa Dona Martha Hospital subalit nalagutan ng hininga sa daan pa lamang.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula sa napatay na suspek ang dalawang kalibre 38 revolver, isang improvised shot gun at mga bala.

vuukle comment

SOCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with