P3 milyong shabu nakumpiska sa buy bust
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang arestadong “tulak” kasunod ng inilatag sa kanya na drug buy bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa.
Sinabi ni Central Luzon Police Director Brig. General Valeriano De Leon na ang nakuhang shabu kay Benny Estares 43 ay may timbang na 50 gramo at nakasilid sa 13 sachet. Aniya may estimated value ang nasabat na droga na P340,000.
Ayon sa report, agad dinakma ng mga operatiba si Estares matapos ibenta ang droga sa isang undercover agent sa kahabaan ng kalye Champaca sa kanyang teritoryo sa Brgy Dicarma. Kasalukuyang inaalam ng awtoridad ang supplier ng inarestong drug personality.
- Latest