^

Probinsiya

Kap sinopla ng abogado ng Bulacan mayor

Pilipino Star Ngayon

Maling alegasyon sa pagtatayo ng sementeryo

MANILA, Philippines — Sinupalpal ng legal office ng San Jose del Monte City sa Bulacan ang mga maling pahayag at akusasyon ng barangay captain ng Muzon ukol sa pagtatayo ng sementeryo sa barangay at ibang walang basehang isyu na kanyang binuksan.

Kamakailan ay inakusahan umano ni Kapitan Marciano Gatchalian ng Bgy. Muzon ng San Jose del Monte si Mayor Arthur Robes ukol sa pagpapatigil ng pagtatayo ng sementeryo at paglalagay ng streetlights na mga proyekto ng barangay sa programang “Rektang Konek Aksyon Agad” noong Pebrero 19.

Sinabi ni Gatchalian na ang Sangguniang Barangay ng Muzon ay umutang ng P80 milyon mula sa bangko para sa pagpapatayo ng sementeryo (P40 milyon) at paglalagay ng streetlights (P40 milyon).

Pero ayon kay Atty Elmer Galicia, city legal officer, ang nasabing planong pagtatayo ng sementeryo sa Muzon ay hindi pinayagan ng city government dahil hindi ito nakasunod sa ilang regulasyon tulad ng makitid na right of way at hindi saklaw sa mga proyekto sa ilalim ng barangay kung kaya’t naglabas ang SJDM ng cease and desist order.

Ayon kay Galicia, walang kapangyarihan ang Bgy. Muzon na magtayo ng sementeryo hangga’t walang pahintulot ng lokal na pamahalaan. Aniya, ang pagtatayo ng walang permiso ay paglabag sa batas at maaaring maging basehan ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.

Nilinaw din niya na ang planong paghahati ng Bgy. Muzon ay naaayon sa Local Government Code of 1991 na nagsa­sabing ang isang barangay ay maaa­ring mabuo kung may 2,000 na populasyon. Ang Muzon ay may populasyon na 106,603 batay sa 2015 na datos.

vuukle comment

SEMENTERYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with