^

Probinsiya

Totoy sinuwag ng kotse, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BULA, Camarines Sur, Philippines — Dead-on-arrival sa ospital ang isang 10-anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng kotse habang naglalakad sa kahabaan ng provincial road ng Zone-4, Brgy. Balaogan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isugod ng rescue team ng bayan sa Bicol Medical Center sa Naga City pero hindi na umabot nang buhay ang biktima na nakilalang si Jimby Basagne.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang driver ng nakabanggang kotse na si Jayson Dela Cruz Solis, 26-anyos, binata ng Zone-2, Brgy. San Roque, Bula.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:45 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa tabi ng kalsada nang mabangga ng Toyota Vios (NDF-5860) na minamameho ni Solis.

Agad sumaklolo ang mga tauhan ng MDRRMO-Bula at isinugod ang bata sa pagamutan pero sa daan pa lang ay nalagutan na ng hininga.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with