^

Probinsiya

2 kagawad, 1 pa itinumba sa Ilocos Sur

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang barangay kagawad ang itinumba ng riding-in-tandem sa magkakasunod na pamamaslang sa Magsingal, Tagudin at Bantay, Ilocos Sur noong Sabado.

Binabagtas ni Kagawad Arnel Tubon, 45, ng Brgy. Napo, Sto. Domingo sakay ng kanyang traysikel ang highway ng Magsingal nang paputukan siya ng mga berdugo mula sa likuran dakong alas-11:30 ng umaga sanhi upang ideklara siyang dead-on-arrival sa ospital.

Alas 5:20 naman ng hapon nang tambangan ng tandem suspects si Rudy Pascua, 32, habang namamasada ng traysikel sa Brgy. Sinabaaan, Bantay.

Ayon kay Major Juan Maggay, hepe ng Bantay Police Station, namatay kalaunan habang gina­gamot sa isang pribadong ospital si Pascua.

Sa bayan ng Tagudin, pinuruhan naman ng bala sa ulo ng berdugo habang umiihi sa madilim na lugar sa Brgy. Sawat si Kagawad Ricardo Tabian, 47, ng Brgy. ­Ag-aguman.

Nabatid na nakikipag-inuman doon ang opisyal nang mangyari ang pananalakay dakong alas-11:45 ng gabi.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with