^

Probinsiya

Trader at ‘Dawlah’ utas sa shootout

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang negos­yante at isang pinaniniwalaang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah matapos umanong manlaban sa mga otoridad na magsisilbi lang ng search warrant sa magkahiwalay ng pagsalakay sa Polomolok, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Ro­berto Chavez Suerte, 41, isang negosyante at Roy Can?ete, umano’y kasapi ng local terrorist na Dawlah Islamiya; pawang taga-Polomolok.

Ayon kay P/Major Rommel Hitalia, deputy chief ng Polomolok Municipal Police Station, alas-4 ng madaling araw nang isilbi ng mga ope­ratiba ang search warrant sa lungga ng mga suspek pero nagkaroon ng shootout nang sila umano ay manlaban sanhi ng kanilang kamatayan.

Nakuha kay Suerte ang isang 38 revolver at malaking sachet ng pinaniniwalaang droga habang mga drug paraphernalia naman kay Can?ete.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with