^

Probinsiya

P4.4 milyong marijuana nasabat sa 2 tulak sa Isabela

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P4.4 milyong marijuana nasabat sa 2 tulak sa Isabela
Ayon sa ulat, unang nakipagkasundo ang mga suspek na makikipagkita sa poseur buyer sa bayan­ ng San Manuel subalit dahil sa police check-point ay umatras sila at sinabing sa bayan na lang ng Quezon gagawin ang transaksyon.
The STAR/Miguel De Guzman

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasa P4.4 mil­yong halaga ng marijuana bricks ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos madakma ang dalawang suspek sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Barucboc, Quezon ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Brig. Gen. Crizaldo Nieves, regional police director ng Cagayan Valley (Region-02) ang dalawang suspek na sina Marcelo Tudlong Tomas, 29, ng Purok 1, Bulanao, Tabuk City, Kalinga at Keruben Winnie Banosan, 32, ng San Juan, Quezon, Isabela.

Ayon sa ulat, unang nakipagkasundo ang mga suspek na makikipagkita sa poseur buyer sa bayan­ ng San Manuel subalit dahil sa police check-point ay umatras sila at sinabing sa bayan na lang ng Quezon gagawin ang transaksyon.

Dahil dito, agad na inilatag ang pinagsanib na puwersa ng Intelligence Unit ng Isabela Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), San Manuel at Quezon Police ang isang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek dakong alas-12:45 ng hapon.

Bukod sa 41 piraso ng marijuana bricks ay nakuha rin ng pulisya ang 5-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at limang bundle ng P1,000  boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang nasabing mga droga na isinakay sa isang puting Nissan Urvan (NAB 4566) ay pinaniniwalaang nagmula sa ilang mga liblib na lugar.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with