^

Probinsiya

2 holdaper ng 2 kahon ng sigarilyo, arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija , Philippines — Arestado ang da­lawa sa limang lalaki na nangholdap at tumangay ng 2 kahon ng sigarilyo sa dumaraang motorista sa Barangay Gulod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Talavera Police, ang nahuling suspek na sina Joshua Navales,22, ng Barangay Pulong San Miguel, dito, at Miguel dela Cruz, 18, ng Barangay Pag-Asa at kapwa construction worker.

Pinaghahanap ng pulisya ang tatlo pa nilang kasama na may  alyas “Berto”, alyas “JR” at alyas “Pandong”, pawang mga obrero ng Barangay Pag-Asa.

Sa salaysay ng biktima na si Monico Vicencio, 24, vendor ng Barangay Pag-Asa, alas-7:30 ng gabi ay sakay siya ng kanyang tricycle at may dalang dalawang kahon ng sigaril­yo na nagkakahalaga ng P30,000 pauwi na nang siya ay harangin ng mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo.

Tinutukan ang biktima ng baril kaya’t ibinigay ang  dalawang kahon ng motorsiklo at umalis na ang mga suspek.

Agad na nagsumbong ang biktima sa pulisya na nagsagawa ng follow-up operation ang naaresto dalawang suspek,alas-9:45 ng gabi.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with