^

Probinsiya

7 BIFF sumuko sa military

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
7 BIFF sumuko sa military
Ang mga armas na isinuko ng 7 miyembro ng BIFF sa tropa ng militar na kinabibilangan ng isang 60mm mortar, isang Cal .50 Sniper rifle, 5.56mm M16A1 rifle, M1 Garand Cal .30 at M1 Garand Cal .30 converted to M14 rifle.
Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Pitong mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa tropa ng militar sa headquarters ng 2nd Mechanized Battalion sa Brgy. Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao, ang inulat ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division, kahapon.

Ayon kay Major Ge­neral Juvymax Uy, Commander ng 6ID at ng Joint Task Force Central na ang mga dating rebelde ay mga nakipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan at tuluyang sumuko dahil sa programa ng gobyerno na ibinibigay sa kanila.

Batay sa ulat, ang anim ay mga residente ng Brgy Kalumamis, Guindulungan, Maguin­danao habang ang isa naman ay residente ng Brgy Kitapok, Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao.

“Ang pagbabalik-loob ng ating mga kapatid ay patunay na naniniwala sila sa kapayapaang inaalok ng ating pamahalaan” pahayag ni Lt. Col. Omar Orozco, Commanding officer ng 2nd Mechanized Battalion.

Kabilang sa mga isinuko ng mga ekstremistang grupo ay ang bitbit nilang armas na isang 60mm mortar, isang Cal .50 Sniper rifle, 5.56mm M16A1 rifle, M1 Garand Cal .30 at M1 Garand Cal .30 converted to M14 rifle.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with