^

Probinsiya

Wanted na holdaper, naaresto

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Wanted na holdaper, naaresto
Kinilala ang suspek na si Michael Bergado, nasa hustong gulang, walang permanente na tirahan, kanang kamay at miyembro umano ng Eagle Drug Group Syndicate.
STAR/File

BACOOR CITY, Ca­vite, Philippines — Isang lalaki na wan­ted sa mga insidente ng panghoholdap sa Metro Manila ang naaresto ng mga otoridad, kamaka­lawa.

Kinilala ang suspek na si Michael Bergado, nasa hustong gulang, walang permanente na tirahan, kanang kamay at miyembro umano ng Eagle Drug Group Syndicate.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-10:15 ng umaga ng magsagawa ng warrant operation ang pinagsanib na puwersa ng HPG Cavite at Bacoor City sa Alcoba St., Salinas ng lungsod na ito.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mildred Jacinto Marquez, presiding judge ng Fa­mily Court Branch 2, NCR judicial region, Las Piñas City para sa kasong violation of RA 9262 at hindi na nakapalag pa ang suspek nang ito ay masakote.

Narekober sa suspek ang 1 Cal.45 pistol na walang serial number ; 1 magazine ng Cal. 45 na loaded ng mga bala at 1 granada.

Si Bergado ay wan­ted sa kasong violation of RA 9262 at kilala itong hard core member ng nasabing grupo na nag-ooperate sa buong NCR at Region 4A.

Kamakailan lamang ay nasangkot ang kanyang grupo sa sunud-sunod na holdapan at carnapping at isa sa mga biniktima ng mga ito ay ang Chinese National na si Yi­ping Liu ng SMDC Breeze residences, Pasay City.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with