^

Probinsiya

Totoy nahulog sa ilog, nalunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LABO,Camarines Norte, Philippines — Patay na nang matagpuan ng mga rumespondeng rescue team ang isang 11-anyos na batang lalaki matapos na aksidenteng nahulog ito sa malalim na bahagi ng ilog sa Purok-4,Brgy.Exciban ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Halos umabot ng dalawang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktimang si Mark Clouie Penueco Homo, grade-4 pupil at residente ng barangay.

Sa ulat, alas-2:00 ng hapon nagkayayaan ang biktima at mga kaibigang manguha ng gulay sa bundok.

Gayunman, pauwi na umano sila nang madulas ang biktima at nahulog sa malalim.na bahagi ng ilog na kanilang dinaraanan.

Mabilis na nawala sa tubig ang biktima kaya agad humingi ng saklolo an mga kaibigan pero patay na nang matagpuan ang bata.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with