^

Probinsiya

Misis nagulungan ng tanker, pisak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Tumilapon habang angkas ni mister

CAVITE, Philippines — Pisak ang isang 23-anyos na misis makaraang magulungan ng isang tanker nang tumilapon mula sa pagkakaangkas sa kanyang mister habang bumabagtas sila sa kahabaan ng Brgy. Loma, Amadeo sa mismong Araw ng mga Puso.

Hindi na nagawa pag madala sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Judy Ann Piamonte ng Brgy. Manggahan, Gen. Trias City.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng tanker na si Rolando Obsioma, 49, ng Brgy. Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Ivan Cris B Baysa, alas -6 ng umaga kamakalawa habang magkaangkas ang ginang at mister na si Mario Nilo, 26, ng  Brgy Manggahan, Gen. Trias City at bumabagtas sa nasabing lugar patungong Tagaytay nang mag-overtake sila sa kanang bahagi ng gas tanker.

Gayunman, tumama sa bato ang gulong ng motorsiklo ng mga biktima hanggang sa mawalan sila ng control at tumilapon ang ginang sa may unahang bahagi ng gas tanker.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawang umiwas pa ng tanker at nagulungan nito ang babae.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with