^

Probinsiya

92% gumaling sa COVID-19 sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Provincial Health Office-Public Health, mula sa kabuuang 11,863 na mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 10,928 o 92 porsyento dito ang gumaling.

Sa pinakahuling Si­tuational Report No. 347 hinggil sa COVID-19 mula sa Provincial Risk Reduction and Management Office, at Bulacan Provincial Task Force on COVID-19, nitong Pebrero 9, 2021, may kabuuang 16,243 na kasong may kinalaman sa  COVID-19 ang nakalap mula sa mga disease reporting units sa buong lalawigan, kung saan 11,863 ang kumpirmado, walang probable, at 4,380 ang suspect, samantalang wala namang bagong naitalang nasawi mula sa 510 pa na mga aktibong kaso.

Gayundin, ang lungsod ng Malolos at mga bayan ng Guiguinto at Santa Maria ay nagtala ng pinakamataas na aktibong mga kaso na may 73, 49 at 41, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Gob. Daniel Fernando, habang naghihintay sa desisyon ng pamahalaang nasyunal patungkol sa bakuna, susuportahan at susunod ang lalawigan sa mga protokol upang paglingkuran at isalba ang buhay ng mga Bulakenyo mula sa COVID-19.

“Hihintayin natin ang official statement ng national government at DOH, dahil as of now ‘di pa tayo puwedeng mag-procure ng sarili natin. ‘Di tayo puwedeng magdesisyon tungkol diyan na bumili tayo ng bakuna sa sarili natin, ‘pag sinabi na ng national government na okay na itong brand na ‘to saka tayo kikilos, pero nakahanda naman tayo. Magsusupplement kami para maipambili ng bakuna at maibigay ng libre sa mga tao,” paliwanag ni Fernando.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with