^

Probinsiya

Imported na troso lumutang sa mga baybayin ng Aurora

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

BALER, Aurora, Philippines —  Pinaniniwalaang galing pa sa ibang bansa ang mga trosong natuklasan ng pulisya at environment authorities dito makaraang anurin sa iba’t ibang bahagi ng baybayin ng lalawigang ito, noong Biyernes.

Ayon kay Police Col. Julio Lizardo, provincial director ng Aurora Police, hindi bababa sa 62 round logs, na may sukat na 50cms ang lapad, may haba ng 36 feet, ang nakita sa baybayin ng Bgry. Zabali at Brgy. Sabang sa Baler, at sa iba pang mga coastal barangays ng mga bayan ng Dingalan, Casiguran at Dinalungan.

Sinabi ni Lizardo na ang mga troso ay mayroong marka ng Papua New Guinea, na maaaring maitu­ring na ang mga produktong kahoy ay nagmula sa nasabing bansa na kilala sa pagkakaroon ng yamang likas at yamang mineral bukod sa napakalawak nitong pagkakaiba-iba ng kultura at biodiversity.

“Tinutukoy pa rin namin kung paano lumubog ang mga malalaking troso sa mga nayon na malapit sa baybayin. Wala namang ulat tungkol sa pagkakakita ng mga banyagang cargo vessel na dumaan sa tubig ng Aurora,” sabi ni Lizardo.

Isa sa tinitignan ng awtoridad ay maaaring nakasagupa ng masungit na panahon sa dagat ang naturang barko kaya napilitan nilang ihulog sa tubig ang mga troso.

Maaari rin umanong may isang buwan na sa tubig ang mga kahoy dahil tinutubuan na ito ng lumot bago pa man ito madiskubre, ayon sa isang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ayaw nang magpabanggit ng pangalan.

Binigyan diin ng kawani na ipinagbabawal na ibenta ang mga kahoy dahil maaari umano nilang hulihin at kasuhan ang mga ito dahil hindi nila pag-aari ang mga troso.

Nakikipag-usap na ang DENR-Aurora sa DENR Central office para sa disposition ng mga narekober na ‘imported’ lumber na ngayon ay nasa inventory documentation na. 

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with