^

Probinsiya

Ex-call center agent huli sa droga

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Isang babae na dating­ call center agent at hinihinala ngayong full-time drug pusher ang nalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust ope­ration noong Huwebes ng hapon sa Brgy. Campo Filipino, dito.

Agad hinuli si Mary Grace Aviles Limjap, 46, nang bentahan niya ng isang sachet ng shabu ang isang undercover PDEA agent.

Nakuha pa ang dalawang sachet ng shabu mula kay Limjap na may kabuuang bigat na .7 grams.

Ayon kay PDEA-Cordillera director Gil Castro, ang pagka-adik din ni Limjap sa droga ang nagtulak sa kanyang iwan ang legal na pinagkakakitaan nito at tuluyan nang tumutok sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ayon pa sa opis­yal, una nang nahuli noon si Limjap ng mga pulis­ dahil din sa droga samantalang suki rin siyang i-report ng mga kapitbahay niya sa City Camp Proper dahil sa illegal na negosyo nito sa parokyano niyang call center agents, mga kabataan at tsuper ng taxi at jeepney.

vuukle comment

DROGA

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with