^

Probinsiya

Kagawad, 3 pa huli sa buy-bust

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, 3 pa huli sa buy-bust
Kinilala ang mga suspek na sina Kagawad Alex Antuerpia Aguallo, 55-anyos; Bien­vinido Escoto Dawal Jr., 53; Jojo Araceli Ala, 42, at Allan Paul Delos Santos Serrano, 38; pa­wang residente ng nasabing barangay habang tinutugis ang target sa drug bust na sina Dennis Valencia Bahoy, 44, at pinsang si Resty Napod Bahoy, 39.
STAR/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang kagawad kasama ang tatlong iba pa matapos na maaktuhang nagpa-pot session sa lungga ng da­lawang “tulak” na target sa buy-bust operation sa Purok-1, Brgy. 57 Dapdap ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Kagawad Alex Antuerpia Aguallo, 55-anyos; Bien­vinido Escoto Dawal Jr., 53; Jojo Araceli Ala, 42, at Allan Paul Delos Santos Serrano, 38; pa­wang residente ng nasabing barangay habang tinutugis ang target sa drug bust na sina Dennis Valencia Bahoy, 44, at pinsang si Resty Napod Bahoy, 39.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon sa tulong ng mga kasapi ng Provincial Intelligence Unit, Albay Provincial Mobile Force Company at Regional Drug Enforcement Unit-5 ay inilatag ng Legazpi City Police ang buy-bust operation laban sa magpinsang Bahoy. Gayunman, nang magkabilihan ng droga at akmang aares­tuhin ang dalawa ay mabilis­ na tumakbo at tumakas.

Inabutan naman ng raiding team sa lugar ang apat na suspek sa aktong bumabatak ng droga na kalaunan ay napag-alamang kagawad ng barangay ang isa sa kanila. Nakuha sa lugar ang limang sachet ng shabu, drug paraphernalia at ang naiwang boodle money na ginamit sa buy-bust.

vuukle comment

BUY BUST

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with