^

Probinsiya

Jeep vs pickup: Driver dedo, 6 sugatan

Doris Franche, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang driver ng pampasaherong jeep­ney habang anim pa ang sugatan nang ma­kasalpukan nito ang isang pickup truck kamakalawa ng tanghali sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ni Sultan Ku­darat Police chief Maj. Julhamin Asdani, ang nasawi na si Mohammad Nor Guiamad Kadil, 55, habang sugatan ang mga kasama nitong sina Diokno Kadil, 56; Geraldo Segundera­, 73, at 8-anyos na bata; pawang residente ng  Brgy. Poblacion, Datu Piang, Maguindanao.

Ginagamot din sa ospital ang driver ng pickup truck na si Benjamin Labay Malang, 53, at mga kasamang sina Nelson Adil, 26, at Norhaina Mamadra Datumanong; pawang naninirahan sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat.

Batay sa imbestigasyon, alas-12:15 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa Barangay Ladia, Sultan Kudarat. Magde-deliber ng arina si Kadil nang makabangga nito ang pickup na minamaneho ni Malang.

Nasa magka­bilang linya ang dalawa nang biglang magsalpukan na ikinamatay ni Kadil at ikinasugat ng anim na iba pa.

vuukle comment

JEEP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with