^

Probinsiya

DepEd binira ng 5 solon sa maling modules vs Igorots

Pilipino Star Ngayon
DepEd binira ng 5 solon sa maling modules vs Igorots
Isa lang ito sa mga direktang tumutukoy sa Igorot na mababasa sa modules at libro ng
STAR/ File

 Matapos mag-viral sa social media

SANTIAGO CITY, Philippines — Nagkaisa na sa pagkondena ang limang mambabatas na nakabase sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR) laban sa Department of Education (DepEd) matapos bumaha sa social media ang tungkol sa mga learning modules at libro na naglalaman ng mga maling impormasyon at diskriminasyon sa mga katutubong Igorot.

Sa nilagdaan na Resolution No. 1552 na inihain sa Kamara ka­makalawa nina Congressman Solomon Chungalao mula sa Ifugao; Cong. Allen Jesse Mangaoang ng Kalinga; Cong. Maximo Dalog Jr., ng Mountain Province; Cong. Elias Balut Jr., ng Apayao at Cong. Eric Go Yap ng Benguet, kanilang kinondena ang DepEd dahil sa anila’y maling konsepto, kaalaman at paggamit sa salitang ­Igorot sa kanilang  aralin.

“Be it resolved by the House of Representatives to condemned the erroneous portrayals of the Igorots and Indigenous Peoples in textbooks, learning modules and instructional materials, and to direct the Department of Education to make a thorough review of all textbooks, instructional materials, and learning modules and correct any text which depict in a discriminatory way Igorots and Indigenous Peoples,” nakasaad sa resolusyon.

Iginiit ng mga mambabatas sa mga may-akda at publishers ng mga libro o modules na bawiin lahat ang sirkulasyon, gumawa ng agarang pagtutuwid para maiwasan ang pagtuturo sa mga maling impormasyon at maiwasan ang diskriminasyon.

Nabatid na nitong Pebrero 4, sumulat si Rep. Dalog kay Education Sec. Leonor Briones matapos umalma sa social media ang karamihang residente sa Cordillera bilang pagtutol sa mga maling impormasyon at pagsasalarawan sa mga katutubong Igorot. Kabilang na rito ang pag­hahalintulad sa bagay ng mga Igorot sa bahay ng langgam at itik o bibe, ang tila walang kakayahan ng mga Igo­rot na makatapos sa pag-aaral, ang maling pagsasalarawan sa anyo ng mga Igorot, ang maling lokasyon ng tanyag na Banaue Rice Terraces kabilang na rin ang mga katutubong Aeta na sinasabing matatagpuan sa lalawigan ng Ifugao.

Bilang tugon, sinabi ni DepEd-Regional Director Estela Carino ng Cordillera na natunton na nila ang isa sa mga may-akda at agad na rin silang gumawa ng hakbang matapos silang ulanin ng batikos sa social media.

vuukle comment

CAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with