^

Probinsiya

Mag-asawang NPA, 1 pa sumuko

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang miyembro ng tero­ristang New People’s Army (NPA) kabilang ang isang squad lider sa magkahiwalay na lugar sa Cagayan Valley, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni P/Col. Ariel Quilang, Cagayan Provincial Police director ang mga rebeldeng sumuko sa hanay ng pulisya na sina Ronald Sebastian alias “ Lando”, 29, at Evangeline Sebastian alias “Ela”, 27, kapwa miyembro ng Squad Uno, West Committee, Northern Front na kumikilos sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Quilang, ang mag-asawang Sebastian ay unang lumapit sa isa nilang kakilala sa Barangay Logac, Lal-lo, Cagayan para ipaabot sa mga kinauukulan ang kanilang hangarin na magbalik-loob sa pamahalaan.

Dahil dito,  agad na nakipag-ugnayan ang pinagsanib na puwersa ng Cagayan Provincial Police Office, 3rd MFP, 2nd PMFC at Allacapan Police para salubungin at isagawa ang pormal na pagsuko ng mag-asawang NPA kamakalawa ng umaga.

Nauna rito, boluntaryo ring sumuko sa tanggapan ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang alyas “Jim”, 20, na tumatayong squad leader ng Regional Sentro De Grabidad KR-CV sa San Guillermo, Isabela.

Ayon kay LT/Col. Ali Alejo, commanding officer ng 86th IB, si ka Jim ay  unang na-recruit ng mga rebeldeng grupo noong 2019 subalit dahil sa kahirapan at kawalan ng tamang direksyon ay nagpasya itong magbalik-loob sa pamahalaan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with