^

Probinsiya

Tagapamahala ng pagkain sa jail, sinaksak ng 2 preso

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Kritikal ang isang tagapamahala ng pagkain sa Bulacan Provincial Jail matapos na pagtulungang saksakin ng dalawang kaalitang kapwa bilanggo ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ni Bulacan Provincial Jail Warden Ret. Col. Marcos Rivero ang biktima na si Mauro Monzon na nagtamo ng saksak sa kanang dibdib at kaliwang braso at mabilis na isinugod sa Bulacan Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas 7:00 ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa tinatawag nilang plaza sa loob ng bilangguan nang bigla na lamang lapitan ni Moises Dumapang at Jayson Estrada at pinagsasaksak ang biktima.

Nagsilbi namang lookout sina Aries Camayo, Richard Romoquillo, Jeffrey Cervano at Michael Jimena at hinarang ang kanilang katawan habang tinitira ng dalawang preso ang biktima upang hindi sila makita ng bastonero.

Mabuti na lamang at napansin ni Col. Rivero sa CCTV na noo’y nasa kanyang opisina ang komosyon sa loob ng plaza kung kaya mabilis nitong tinungo ang lugar kasama ang mga jailguards at pinagdadampot ang mga preso at ibinartolina. Sila ay nahaharap ngayon sa panibagong kasong frustrated homicide.

Agad na ipinahalughog ni Rivero ang jail at nakakumpiska sila ng iba’t ibang klase ng improvised na patalim.

vuukle comment

JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with