^

Probinsiya

76-anyos lola sinuwag ng motor, patay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang 76-anyos na lolang nakatayo sa gilid ng kalsada matapos tumbukin ng rumaragasang motorsiklo sa Brgy. Gana, Caba, La Union noong Linggo.

Ayon sa report, kasama ng biktimang si Susana Sersenia ang mga kabarong senior citizen pauwi mula sa kanilang kapilya nang salpukin ng rider na si Henry Sarmiento, 23, taga-Agoo dakong alas-5:30 ng hapon.

Sa lakas ng salpok, tumilapon sa ere ang matanda at sabay silang nagpagulong-gulong sa kalsada ni Sarmiento.

Kapwa isinugod ng mga sumaklolo ang da­lawa sa hospital subalit idineklarang patay na ang lola.

Sinasabing nagpositibo sa pagsusuri sa alcohol si Sarmiento at isinailalim sa kustodya ng awtoridad matapos ang insidente.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with