^

Probinsiya

Magnitude 6.3 na lindol yumanig sa Mindanao

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Magnitude 6.3 na lindol yumanig sa Mindanao
Mabilis na naglabasan ang mga shoppers sa Gaisano Mall sa Kidapawan City, North Cotabato nang maramdaman nila ang malakas na pagyanig makaraang tumama ang sentro ng 6.3 magnitude na lindol sa Davao del Sur kahapon ng tanghali.
Felix M. Unson

Forced evacuation ipinatupad sa may Mt. Apo

NORTH COTABATO, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur na naramdaman sa mga kalapit na lalawigan sa Mindanao kahapon.

Sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol sa layong anim na kilometro silangan ng Magsaysay, Davao del Sur dakong alas-12:22 ng tanghali.

Naitala ang lalim ng lindol sa 15 kilometro sa nasabing lugar at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Kidapawan City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Koronadal City, South Cotabato; Instrumental Intensity IV sa Alabel at Kiamba, Saranggani; General Santos City habang Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Cagayan de Oro at Gingoog, Misamis O­riental at Instrumental Intensity I sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Ayon sa Kidapawan CDRRMO officer na si Psalmer Bernalte, nasa 100 pamilya ang ililikas ng pamahalaang lokal mula sa Mt. Apo dahil sa naturang pagyanig. Magpapatupad naman aniya sila ng forced evacuation sa mga hindi lilikas.

Bagaman at walang may naiulat na nasawi, ayon sa NDRRMC ay aasahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng malakas na lindol.

Pinagalaw na ng pamahalaang lokal ng Davao del Sur ang kanilang damage assessment team para matukoy ang pinsala ng lindol.

vuukle comment

EARTHQUAKE

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with