^

Probinsiya

Bahay ng mayor hinagisan ng granada

Christian Ryan Sta. Ana, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Bahay ng mayor hinagisan ng granada
Ayon kay Atty. Dominic Garen, iniimbestigahan ng pulsiya ang insidente at sinusuri ang CCTV foo­tages kung nahagip ang motorcycle-riding suspects na naghagis ng granada dakong alas-2 ng madaling araw noong Sabado sa harap ng gate ni Austria sa San Josef, Jaen.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Isang ‘di pa sumabog na fragmentation grenade ang ibinato diumano ng riding-in-tandem sa harap ng bahay ng bumabang mayor ng Jaen, Nueva Ecija na si Sylvia Austria, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Atty. Dominic Garen, iniimbestigahan ng pulsiya ang insidente at sinusuri ang CCTV foo­tages kung nahagip ang motorcycle-riding suspects na naghagis ng granada dakong alas-2 ng madaling araw noong Sabado sa harap ng gate ni Austria sa San Josef, Jaen.

Ayon sa Jaen Police, hindi sumabog ang granada dahil hindi natanggal ang pin nito nang ihagis ng mga suspek at ang janitor ni Austria ang unang nakakita sa nasabing bomba.

Ganitong mga pangyayari ang kinakatakutan ng kampo ni Austria, ayon kay Atty. Garen na umapela sa DILG na agad umaksyon upang masolusyunan ang tumataas na tensyon sa Jaen, sa gitna ng banggaang legal nina Austria at nakaupong mayor na si Antonio Esquivel.

Ito ay sa kabila ng kautusan ni Comelec Second Division chairperson Socorro Inting noong Pebrero 3 na nagbabala ng “contempt” sa nasabing mayor at isang korte dahil sa pagwawalang bahala sa Comelec third division status quo ante order noong Enero 12, 2021 na pumapabor kay Austria bilang “duly elected mayor” ng nasabing bayan.

Bumaba si Austria noong Disyembre 2020 bilang mayor ng Jaen mataposa na paboran ng Gapan Regional Trial Court ang election protest ni Esquivel laban sa kanya.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with