^

Probinsiya

Dayo timbog sa droga sa Bangka

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Natimbog sa isinagawang buy-bust operation ang isang dayong lalaki na gu­magamit pa ng bangka sa pagtutulak ng ilegal na droga mula sa Naic, Cavite patungo sa ba­yang ito, kahapon.

Kinilala ni Mariveles Police chief Lt. Col. Cesar ang suspek na si Renato Capuli Gallardo, 49- anyos at residente ng Balon Anito, Mariveles, Bataan. Nakumpisa sa kanya ang 8-sachet ng pinaghihinalaang shabu na nasa P20,000 ang street value.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na darating ang suspek na sakay ng isang bangka kung kaya isa nilang asset ang nagsilbing poseur buyer nang dumaong na sa pampang ang bangkang sinasak­yan ng suspek. Matapos magkabilihan, gamit ang P1,000 marked money ay dito na inaresto ang suspek.

Depensa naman ng suspek, ipina­kisuyo lamang umano sa kanya na ibiyahe sa pamamagitan ng bangka ang nasabing droga.

vuukle comment

BUY BUST

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with