^

Probinsiya

2 bomber nang-agaw ng baril, utas sa parak

Rhoderick Beñez - Philstar.com
2 bomber nang-agaw ng baril, utas sa parak
Kinilala ang mga nasawi na sina Rasul Dubpaleg at pinsang si Bhadz Dubpaleg, na inaresto ng tropa ng Philippine Army at pulis­ya dakong alas-10:00 ng umaga.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Napatay ang dalawang bomber ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos na mang-agaw umano ng baril habang ibinibiyahe ng mga pulis patungong Maguindanao Police Provincial Office sa Shariff Aguak makaraan silang madakip sa Rajah Buayan, Maguindanao noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rasul Dubpaleg at pinsang si Bhadz Dubpaleg, na inaresto ng tropa ng Philippine Army at pulis­ya dakong alas-10:00 ng umaga.

Upang maiwasan ang posibleng pagganti ng mga kasamahan, nagpasya ang pulisya na agad dalhin sa Shariff Aguak ang dalawang sinasabing terorista.

Gayunman, habang patungo na ang police car sa himpilan ay biglang dinamba umano ng dalawa ang baril ng mga escort na pulis sanhi ng komosyon hanggang sa napilitang barilin ng iba pang kasamahang pulis ang magpinsan.

Idiniretso na lang ng mga pulis ang sugatang magpinsan sa Maguinda­nao Provincial Hospital para mabigyang lunas su­balit idineklara silang dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa rekord ng PNP, ang dalawa ay kasapi umano ng BIFF Bungos faction. Sila ay sangkot sa mga pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat, at Midsayap, North Cotabato at sa harap ng South Seas Mall sa Cotabato City noong Disyembre 31, 2018.

vuukle comment

BIFF

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with