^

Probinsiya

Babae tinodas ng holdaper

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

BACOLOD CITY , Philippines — Isang 23-anyos na babae  ang binaril at pinatay ng  isang holdaper sa loob mismo ng kanyang sasakyan kahapon ng umaga sa Barangay Tangub ng nasabing lungsod.

Kinilala ang nasawing si Angelica Montalvo, residente ng Purok Lison, Barangay Banago sa nasabing siyudad.

Batay sa imbestigasyon ng Bacolod Police Station 8, alas-7:00 ng umaga ay nasa loob ng sasakyan ang biktima kasama ang live-in partner nito na nakaparada sa harap ng Medical Plaza sa B.S. Aquino Drive nang biglang pasukin ng suspek.

Nagdeklara ng hold-up ang suspek habang tinututukan ng baril sa ulo si Montalvo at inutusang patakbuhin ang kotse patungong Barangay Cabug.

Pagdating sa Oroland sa Barangay Tangub, binaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa ulo.

Dinala pa si Montalvo sa Bacolod Adventist Medical Center ngunit idineklarang patay.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with