^

Probinsiya

2 biktima ng ‘cybersex’ nasagip, 4 arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 biktima ng �cybersex� nasagip, 4 arestado
Nasa pangangalaga na ng PNP ang mga biktima na nasa edad 18 at 19 habang kalaboso ang mga suspek na sina Easton Scot Sanderson, 34, American citizen at naninirahan sa JO3 Kandi Towers, Flora St, Brgy Malabanias, Angeles City; Reneilyn Robles, 22, ng Lawang Bato, Valenzuela City; Jann Arielle Mondejar, 23, ng Brgy. Malitlit, Sta. Rosa City, Laguna at Shirley Martinez, 22, ng Brgy. Sta Rita, Calbayog City.
Pixabay/File

MANILA, Philippines — Dalawang dalaga na ginagamit ng cybersex syndicate ang nasagip ng Philippine National Police Anti Crime Group (PNP-ACG) habang apat ang naaresto kabilang ang isang Amerikano sa isinagawang raid sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Nasa pangangalaga na ng PNP ang mga biktima na nasa edad 18 at 19 habang kalaboso ang mga suspek na sina Easton Scot Sanderson, 34, American citizen at naninirahan sa JO3 Kandi Towers, Flora St, Brgy Malabanias, Angeles City; Reneilyn Robles, 22, ng Lawang Bato, Valenzuela City; Jann Arielle Mondejar, 23, ng Brgy. Malitlit, Sta. Rosa City, Laguna at Shirley Martinez, 22, ng Brgy. Sta Rita, Calbayog City.

Sa report ni P/Brig. Gen. Robert Rodriguez, director ng Anti-Cybercrime Group (ACG) kay PNP chief Gen. Debold Sinas, alas-11 ng gabi nang salakayin ng Regional Anti-Cybercrime Unit 3 sa pangunguna ni P/Lt. Col. Nelvin Ricohermoso ang JO3 Kandi Tower sa Flora St., Brgy. Malabanias, nasabing lungsod.

Lumilitaw na si Sanderson ang bidang lalaki at ang dalawang nasagip na babae ang siyang ka­sama nito sa ginagawa nina Robles at Martinez na sex video.

Ayon sa dalawang nasagip, si Mondejar ang nag-recruit sa kanila para sa isang modeling at photo shoot subalit nang ipakilala na sila sa dayuhang si Sanderson ay puwersahan na silang ipinatalik dito habang kinukunan ng video ng iba pang suspek upang ma-upload sa porn site sa internet.

vuukle comment

CYBERSEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with