^

Probinsiya

6 sasakyan nagkarambola: Pulis patay, 3 pa sugatan

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang kagawad ng Philippine National Police (PNP) habang sugatan ang tatlong miyembro ng kanyang pamilya matapos sumabog ang gulong ng sinasakyang kotse at sumalpok sa kasalubong na trak bago bumangga sa mga nakaparadang apat pang sasakyan sa bayan ng Cabatuan sa lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Cabatuan Police ang nasawi nilang kabaro na si Patrolman Gilbert Ison, nakatalaga sa 2nd Isabela Police Provincial Mobile Force Company at taga-Brgy. Carabatan Punta, Cauayan City.

Ang mga sugatan ay nakilala namang sina Antonio Sanchez, Roberto Ison at ang asawa ng nasa­wing pulis na si Rose.

Sa ulat, lulan ng kotse ang mga biktima na minamaneho ni Pat. Ison patungong ospital para ipa-check-up sana ang buntis na misis nang aksidenteng pumutok ang harapang gulong ng kanilang sasakyan sanhi upang mawalan ng kontrol sa manibela ang pulis pagsapit sa bahagi ng Barangay Magsaysay.

Agad na sumalpok ang kotse ng mga biktima sa kasalubong na dump truck na minamaneho ni Emmanuel Miguel Calderon ng San Isidro, Isabela.

Sa lakas ng pagkakabangga, sumabog din ang harapang gulong ng dump truck na naging sanhi para bumaliktad ito sa kalsada habang ang kotse ni Ison ay inararo ang nakaparadang tricycle, isang SUV, multicab at isa pang sasakyan hanggang sa tumbukin pa ang isang karinderya kung saan ay nagsitakbuhan ang mga kumakaing kustomer.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with