^

Probinsiya

Drug suspect binigti saka binoga sa ulo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

REAL, Quezon, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang drug personality makaraang bigtiin at barilin sa ulo ng hindi kilalang salarin kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Brgy. Llavac ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Darwin Gucilatar, alyas “Moffats”, 37, may asawa ng Purok Day, Brgy. Poblacion 61 at ilang beses na umanong nadakip dahil sa paglabag sa RA 9165 o may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga ay natagpuan ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng nakaparadang Toyota Hi-Ace van sa gilid ng national road.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, natuklasan na may dalawang tama ng bala sa ulo ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktima at ang leeg nito ay may nakapulupot na kable ng cellphone charger na senyales na binigti.

vuukle comment

DRUG SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with